Home · Tumblr · Author · Booklist ·


The fossilization of memory. Sounds too scientific, too pedagogic. Very much like the notes I used to write in Zoology, only in a sentimental context. Note that this blog is a hole in my failing consciousness. Should you leave this blog wondering about things, e-mail me at utakgago [at] gmail [dot] com for questions, job offers, and for-the-lack-of-a-breather e-mails. Subscribe via RSS.

Lapat

Nasa isipan ko ngayon kung gaano ako kababaw pagdating sa pagbibigay ng kritisismo (in literary terms naman ito, hindi basta-bastang kritisismo). Na-reject kasi ang topic kong Harry Potter and the Deathly Hallows in a Marxist perspective, at naisip ko na baka bobo lang talaga ako. Hindi lang pala basta-bastang kabit dito-kabit doon ang mekanismo ng pagbibigay ng kritisismo. Kailangan daw malalim. Kailangan hindi kababawan, hindi porket anti-Ministry na si Harry Potter ay Marxist na ito, na anti-status quo siya, na may mga kudetang naganap sa libro. Kabobohan lahat ng naisip ko.

Pukingina lang talaga! Bobo ako! Wala, wala talaga. Sa buong klase namin ay ako lang ata ang hindi pinayagan (bagamat inalok ako ng aking propesor na palitan ang framework ko mula sa Marxist at gawing Feminist) sa aking naisip na gawing pagsusuri. Naisip ko tuloy na bobo ako, na kahit na ako na lang ata ang nagtitiyagang magbasa ng mga handouts tungkol sa hegemony ni Gramsci at kung anu-ano pang pag-aaral nila Althusser, Levi-Strauss at Barthes, ay hindi ko naman nailalapat ng mahusay ang mga ito sa pagbibigay ng kritisismo.

Pang-creative na lang talaga ako. Naisip ko pa dati na maganda sana ang Comparative Literature bilang pangalawang kurso! Kapal rin ng mukha ko.

Naisip ko lang magtagalog muna. Ngayon lang.

Ang dense ng mga naiisip kong topic sa ENG103 (Critical Writing). Jusko. Hindi ko talaga kinakaya. Naguguluhan ako. Magki-criticize ba ako ng tatlong istorya ni Murakami at hahanapin ang “binding element” nila gamit ang postmodernism o piliin ko na lang ang After Dark na nobela rin ng naturang manunulat at i-criticize gamit pa rin ang postmodernism at post-colonialism?

Leche.

January 27, 2010 at 12:14 am, filed under Life at UPLB, Stress ball narratives, Stupid, Tagalog. Bookmark the permalink. Follow any comments here with the RSS feed for this post.

Timeline

5 Comments

Have your say

Add your comment below, or trackback from your own site. Subscribe to these comments.

:

: